@mayaflorie: Kung anong will Mo, Lord, doon ako. Kahit hindi iyon ang planong gusto ko, magtitiwala ako. Dahil alam kong mas nakikita Mo ang hindi ko nakikita, at mas alam Mo kung ano ang makabubuti para sa akin. Hindi ko man maintindihan ngayon, pipiliin ko pa ring maniwala na may dahilan ang lahat. Hindi ko kailangang makuha ang lahat ng hinihiling ko. Ang hiling ko lang, samahan Mo ako sa bawat hakbang, bigyan Mo ako ng lakas na tanggapin ang hindi ko kayang baguhin, at pusong marunong maghintay sa tamang panahon. Kung saan Mo ako dadalhin, Lord, susunod ako. Ikaw na ang bahala sa mga bagay na hindi ko na kayang kontrolin. 🤍 Sa dami ng bagay na gusto kong mangyari, sa dami ng pangarap na gusto kong matupad, at sa dami ng sagot na hinihintay ko, pipiliin kong magpahinga sa paniniwalang hindi ko kailangang maintindihan ang lahat para magtiwala sa Iyo. Hindi man ayon sa plano ko, basta ayon sa kalooban Mo, Lord. Ikaw ang masusunod. 🥹🤍 #KungAnongWillMoLord #GodsWill #TrustHisTiming #LordIkawNaAngBahala #FaithOverFear
ThisIsMaya
Region: PH
Wednesday 21 October 2026 11:56:33 GMT
Music
Download
Comments
There are no more comments for this video.
To see more videos from user @mayaflorie, please go to the Tikwm
homepage.