@joice_bellodo: always kong sinasabi na pagod ako pero may mas pagod pa pla saken🥹 proud na proud ako kay papa kasi kahit sobrang init ng panahon kinakaya nya pading mag stay sa initan makapagharvest lang ng tanim para may pambili kami ng makakain, sobrang hirap ng buhay minsan naiingit nlng ako sa ibang tao na walang problemang iniisip, mga mayayaman napapasabi nalang ako na "bat kaya ganon ang unfair ng mundo pag dating samin" naiiyak nalang ako kasi minsan sa sobrang hirap minsan inuulam namin nilagang talbos ng kamote yun lang tas isasawsaw lang sa bagoong pang ulam na, kahit na naiinis ako kapag ganon wala akong magagawa e ganon tlga, nakikita man ng ibang tao na masaya ako na natawa ako pero sa loob ko napakalungkot kaya palagi kong sinasabi kala mama na babawi ako pagnagtapos ako ng grade 12 magtetesda ako at magwowork ako ibang bansa gusto ko sila nmn pagpapahingahin ko ako nmn yung magtatrabaho para samin, kung pwede ngalang na baguhin yung edad ginawa kona e, sa sobrang hirap ng buhay namin minsan nakakakain kami na mga anak nya pero di namin alam na dina pla nakain mama namin para samin nakakaiyak lang isipin na sobrang pinapahirapan kami ng mundo pero okay lang sabi nga nila basta magkakasama kami okay lang daw e pero para sakin hinde,.... kaya kayo maging proud kayo sa magulang nyo ah wag nyo silang ikakahiya kasi di dapat kinakahiya ang legal na gawain atleast lumalaban tayo ng patas🥹❤️🩹 #makemefamous #epwaypi #farmer #proud #fyppppppppppppppppppppppp