@boss.idol1994: 📢 PANAWAGAN PARA SA AGARANG PAGSASAAYOS NG MGA AIRCON SA McDONALD’S VIRAC TOWN CENTER! 🥵❄️ Nananawagan po ako ng agarang pagsasaayos o pagpapagawa ng mga air-conditioning unit dito sa McDonald’s Virac Town Center dahil sa sobrang init sa loob ng establisimyento. Kahit hindi ka magkape, ramdam na ramdam mo talaga ang grabeng init sa tuwing kakain ka rito! 🥵 Sa aking palagay, maaaring dahil na ito sa kalumaan ng mga air-conditioning unit na nakakabit sa kanilang mga kisame. Hindi ko naman po sinasabing nagtitipid sila sa kuryente ng First Catanduanes Electric Cooperative, Inc. (FICELCO), kundi nais ko lamang pong mabigyan ng pansin ang problema sa pagpapalamig ng lugar. Wala po akong sama ng loob sa McDonald’s Philippines. Ang hangad ko lamang ay maaksyunan ang problemang ito upang maging komportable ang mga customer habang kumakain. Sa tuwing kumakain po ako rito, palagi kong nararanasan ang ganitong kainitan. Batay sa aking sariling pagtataya, baka halos isang taon ko na rin pong nararanasan ang problemang ito. Kaya naman, nakikiusap po ako kay Kapuso Action Man Emil Sumangil na sana ay mabigyan niya ng pansin ang aking panawagan at matulungan akong maiparating ito sa kinauukulan para sa agarang aksiyon. Maraming salamat po, Kapuso Action Man Emil Sumangil, kung mabibigyan ninyo ng pansin ang aking panawagan! 🙏 #McDonaldsViracTownCenter #McDonaldsPhilippines #KapusoActionMan #EmilSumangil #SerbisyongPubliko

Miguel Dela Cruz Arcangel
Miguel Dela Cruz Arcangel
Open In TikTok:
Region: PH
Thursday 22 October 2026 05:11:28 GMT
203
3
0
1

Music

Download

Comments

There are no more comments for this video.
To see more videos from user @boss.idol1994, please go to the Tikwm homepage.

Other Videos


About