@aviethodigital: HINDI ISASAULI ANG PONDO? 🥲 Sinabi ni Solicitor General Darlene Berberabe na hindi inaatasan ng desisyon ng Supreme Court ang pamahalaan na ibalik ang mga pondong nagamit na sa ilalim ng unprogrammed appropriations ng 2024 at 2025 national budget, na idineklarang labag sa Konstitusyon. Ipinaliwanag ni Berberabe na sa ilalim ng doctrine of operative fact, kinikilala ang mga naging epekto ng isang batas o hakbang bago ito ideklarang unconstitutional. Aniya, walang nakasaad sa desisyon na kailangang ibalik ang mga nagastos na pondo. #NationalBudget #SupremeCourt #supremecourtph #AviethoDigital