@bhabycoh27: MAHAL PA RIN KITA. Kung sakaling dumating yung araw na hindi na kita hinahanap, huwag mong isipin na hindi na kita minahal. Sa totoo lang, baka sa sobrang pagmamahal ko sa’yo, natutunan ko na rin kung kailan ako dapat tumigil. Ang dami kong gustong sabihin sa’yo noon. Gusto kong itanong kung bakit bigla kang nagbago, kung saan ako nagkulang, at kung bakit parang ang dali para sa’yo na mawala habang ako, gabi-gabi, pilit inaayos ang sarili ko. Pero habang tumatagal, napagod na rin akong maghanap ng sagot sa taong ayaw nang magpaliwanag. Siguro hindi naman talaga ako kulang. Siguro hindi lang talaga ako yung taong gusto mong piliin hanggang dulo. At masakit man tanggapin, kailangan kong respetuhin ‘yon. Kaya kung dumating ang panahon na makita mong masaya na ako, sana huwag mong isipin na nakalimutan na kita. May mga taong hindi mo talaga nakakalimutan. Natututo kalang mabuhay nang wala sila. Ikaw yung taong minsan kong ipinagdasal na sana makasama ko habang buhay. Ikaw yung taong pinangarap kong makasama sa mga araw na mahirap at sa mga araw na masaya. Kaya hindi ko pagsisisihan na minahal kita. Ang pagsisisihan ko lang ay yung mga panahong habang pinipili kita, nakakalimutan ko ng piliin ang sarili ko. Ngayon, hindi na ako galit. Hindi narin ako naghihintay. At kahit may parte sa puso ko na umaasang sana iba ang naging ending natin, tatanggapin ko na hindi lahat ng taong mahal natin ay para makasama natin habambuhay. Baka kaya tayo pinagtagpo para malaman ko kung gaano kasarap magmahal… at kung gaano kasakit ang mawalan ng taong ayaw ng manatili. Kaya kung sakaling maalala mo ako balang araw, huwag mo nang isipin kung mahal parin kita. Ang tanong nalang siguro ay: Kung minahal mo rin ako noon… bakit hinayaan mong mawala ako?”

Miss Aries
Miss Aries
Open In TikTok:
Region: PH
Thursday 22 October 2026 10:22:33 GMT
76609
3430
83
298

Music

Download

Comments

jedarils
jed :
imissumuch jenny i need you so much jenny😭🥹
2026-10-24 13:25:42
0
capili52
♎️libra😸🇭🇰 :
mhal p kita pero kya ko ng wala k
2026-10-22 22:00:03
10
h2o071620
H2o :
🥹🥹🥹
2026-10-24 10:15:33
0
30mahal40
lhudy gane🇦🇪 :
mahal parin kita..pero ayaw ko mag makaawa sayo na mahalin mo din ako..kaya mas pinili ko lumayo sayo para maging masaya ka sa kanya..take care and godbless 😔😔7days no contact😔
2026-10-23 01:15:46
6
itsshainly
Shain :
u're always my bebs
2026-10-23 23:13:26
1
ruizpamela244
yoonminforever bts :
mahal parin kita hanggang ngayon hindi naman nawala ang pagmamahal ko sayo nandito parin sya takot lang akong bumalik ako ulit sa sakit na dinulot mo saakin noon okay na yung mahal parin kita ngayon wag lang maulit yung sakit na yun🥰🥰🥰🥰😭
2026-10-24 13:22:51
0
roocky.26
rocky26 :
buti nlng nalampasan ko ung trauma na ginawa nia skn kya ngaun masasabi ko n thank you lord nilayo nio ako sa taong hnd marunong makuntento at manloloko
2026-10-22 20:40:55
2
rosenell37
rosenell :
ang sakit sabog sa luha mata koo
2026-10-22 23:41:49
1
jeans5766
Neaj04 :
ouch😭😭😭
2026-10-22 16:02:27
0
librando300
💫🗯💥ACE🗯💥💫 :
mahal pa rin kita❣️
2026-10-22 18:52:26
1
mj24.27
MJ :
sakto sa pinagdaanan ko
2026-10-24 05:57:11
0
jenieer9823
NI NI 💖 :
Eto pinapamasakit unti unting nag babago lahat hanggang sa makalimutan nyo pano kayo nag simula sa masaya
2026-10-24 10:00:14
0
indianbajay
Jayjay :
sakto sa pinagdadaanan ko. bakit nga ba ganun sila?
2026-10-23 16:25:57
0
saraharenas31
saraharenas31 :
mahl parin kht ang sakit sakit na🥺
2026-10-23 20:39:16
0
jha5376
Jhai :
Yung having binibida Kita Saknla pero ikaw my ksama plang iba .. 🥹
2026-10-23 23:44:16
0
itsmejeim5
🫦𝓳𝓮𝓲𝓶𝓶𝔂 🫦 :
tagos sa puso lahat, ito un tumpak m lahat
2026-10-22 13:26:30
1
jhori24
LaLa :
aww 😔
2026-10-22 13:50:16
0
lyn178lyn
lyn :
mahal kita pero bat hinayaan mo aqng mawla sa tabi mo😢
2026-10-23 13:40:18
0
stephanmandia
einah 🥰💋 :
ang sakit lang talga 😥😥 dumating na ko sa punto na to na napagod nalang ako sa paulit ulit na trato ng tao, yung pakiramdam na sobrang mahal na mahal ko sya pero ayaw ko ng maramdaman yung paulit ulit nyang ginagawa, 5 taon na ganun, paulit ulit, palagi nalang ..
2026-10-23 12:49:52
1
litch18
LITCHNOKISS :
di naman mawawala pag mamahal, pero kaya ko nang wala ka nasanay na'ko sa sitwasyon na binigay mo
2026-10-23 23:12:14
0
abegail.castro8
Abegail Castro :
2026-10-24 14:07:25
0
ac.cancio
Ac Cancio 💓 :
mahal pa rin kita pero mas mahal ko na ngayon sarili ko once magpaparamdam ka ulit hindi na ako magreply kasi mas ppiliin ko na sarili ko masaya ako masaya kna ngayon magkasalubong man ang mga landas natin ngingiti na lang ako wala ng puot sa puso ko
2026-10-23 14:59:18
0
zel_baquiran
sausage :
mahal kita pero bat hinayaan mo akong mapagod at mawala sayo!🥺
2026-10-23 14:34:23
0
joysweetie_
Joysweetie🇦🇪🫶 :
2026-10-22 16:08:17
0
To see more videos from user @bhabycoh27, please go to the Tikwm homepage.

Other Videos


About