@_kayavine_: ANG SAYA NILANG MAGPATAWA, PERO ANG SAKIT NILANG MAGPAIYAK‼️‼️‼️ Nasanay tayong napapanood sila sa TV at big screen na kwela, nagpapatawa at nagpapasaya. Tatlo sila sa mga maituturing nang institusyon sa comedy. Pero grabe pala kapag hinubad na nila ang kanilang maskara at nagsimula nang tumulo ang kanilang mga luha. Tayong sanay tumawa dahil sa kanila, ay halos hindi makahinga sa bigat ng kanilang pagganap. Still in awe of these three icons. GRABE ANG RANGE AT VERSATILITY. Mula sa pagpapatawa hanggang sa mga eksenang mapapatulala ka na lang sa sakit at bigat. May kirot, may galit, may poot. Kahit walang linya, kahit tingin lang, ramdam mo. Parang gusto mong sabihing, “Teka lang, hindi pa ako tapos umiyak sa isang eksena.” Pero higit sa lahat, may aral ang mga kuwento nila. May hubad na realidad na kailangan nating makita. May mga eksenang gigising sa kamalayan mo at mga tanong na maiuuwi mo pagkatapos manood. Tapos na ang pelikula, pero ikaw, pinoproseso mo pa rin ang lahat. Kaya sobrang dasurb ang mga pagkilala sa kanilang husay at dedikasyon. Si Marietta “Pokwang” Subong, ay ginawaran ng Best Actress sa Cinemalaya 2026 para sa “2 Valid IDs.” Si Vice Ganda, tumanggap ng Best Actor sa MMFF 2025 para sa “Call Me Mother.” Si Eugene Domingo, umani ng Best Actress sa Tokyo International Film Festival 2013 para sa “Barber’s Tales" at Movie Supporting Actress of the Year award para sa "And the Bread Winner is..." Salamat sa buhay at talento n’yo.
KVN_FRNCSCO
Region: PH
Friday 23 October 2026 14:42:13 GMT
Music
Download
Comments
Account Not Found :
“malalim ang kalungkutan ng taong mababaw ang kasiyahan”
2026-10-24 03:14:41
1532
"Farogway" :
Absolute Cinema
2026-10-25 13:49:35
0
Chaca_Champaca_6.0 :
You forgot Ai-Ai
2026-10-25 02:51:31
0
Mt. Lustie :
parang nilabas nila lahat ng paghihirap nila na pilit tinatakpan ng pagpapasaya nila.
2026-10-23 16:58:13
483
:
Michael V in Family History
2026-10-25 12:26:43
0
patt :
Jose Manalo also 😭😭
2026-10-24 05:21:50
39
𝑻𝑹𝑰𝑶𝑵𝑵𝑬 🌊 :
THE OG
2026-10-23 16:21:10
84
mazikeen :
the breadwinner scene where Eugene Domingo said "Ang problema sayo, masyado kang mabait!"
2026-10-24 04:21:00
37
*𝕋𝕠𝕣𝕚*❣ :
if we have adaptation of when life gives you tangerine the mother of IU should be played by pokwang
2026-10-24 12:30:12
8
Ninang :
Eugene Domingo🙌👏
2026-10-24 00:03:54
45
kevin :
pinapasaya nila tayo. pero sinong nag papasaya sakanila☹️🥹
2026-10-24 03:58:16
21
maxwell :
kung sino pa yung mahilig magpatawa sila pa yong may mabigat dinadala💔
2026-10-24 01:13:31
21
rosechrissie<3 :
2026-10-24 02:22:28
9
Hanna Gabion :
yan ang tunay na best actor at actress
2026-10-23 19:52:15
11
Jayson esteban :
San ito pwede mapanood?
2026-10-24 08:41:12
0
Ryl Gabule :
Ano po title nong kay Eugene domingo?
2026-10-24 13:06:48
0
Debbie Supremacy 🎀 :
"Even jesters portray deepest emotions"
2026-10-24 11:20:00
1
lei :
in reality Kung sino pa ang masiyahin at nagpapasaya sila pa Yung may malalim na lungkot na dala
2026-10-24 11:03:23
2
cyviljingcogillo :
plus Dolphy...
2026-10-24 04:54:08
3
Raymond B. of Tarot Gabay :
also AiAi delas Alas
2026-10-24 09:36:53
2
MIA KhLAyFa ⚛️ :
KWENTONG BARBERO TALAGA ANG GANDA THE PLOT THE CASTING ESPECIALLY THE ENDING
2026-10-25 05:21:20
3
carlotoy :
ganyan talaga Yan kung sino pa Yung pinakamasaya sila paying mga mga bigat na dinadala!
2026-10-24 04:12:22
1
Lim :
Speechless kami sa inyo
2026-10-24 02:29:12
2
To see more videos from user @_kayavine_, please go to the Tikwm
homepage.