@theotalkstheology: Kapag may claim, hindi sapat na itanong kung may evidence. Kailangan din nating itanong: Ano ang conclusion? Ano ang premises? Valid ba ang reasoning? Ano ang basehan ng premises? Relevant, reliable, at sapat ba ang evidence? At depende sa claim, iba-iba rin ang paraan ng pagsusuri. Scientific claim? Tinitingnan natin ang research at data. Philosophical claim? Sinusuri natin ang premises, arguments, at reasoning. Ang pagkakaroon ng evidence ay hindi automatic na nangangahulugang napatunayan na ang claim. Ang tanong: nagbibigay ba talaga ito ng sapat na dahilan para tanggapin ang claim? #TheoTalks #LogicSeries #Evidence #CriticalThinking #Logic