@balitaphl: Opisyal nang ipinakilala ngayong Sabado, Oktubre 24, ang bagong batch ng housemates na makikibahagi sa ikatlong edisyon ng Pinoy Big Brother: Collab Edition 3.0. Ikinagulat ng mga netizen na pumasok sa loob ng Bahay ni Kuya ang ilang mga artistang sina Mikee Quintos, Anthony Constantino, Robbie Jaworski, Cianne Dominguez, at Winwyn Marquez. Ang iba pang housemates ay nakilala naman online gaya nina Lans Nagal, Bela Arcal, Primo Alterado, Shea Valerio, Nicole Fortuna, Calix Esguerra, Raheel Bhyria, Gehlee Dangca, Ethan Benares, Nathan Garcia, at Jeo Ong. Kasabay ng pagpapakilala sa mga housemate ang pagbubukas ng bagong Bahay ni Kuya, na may panibagong disenyo at lokasyon. Winelcome na rin nila ang bagong Kapuso host na si Michael Sager na dati na ring naging housemate sa unang celebrity collaboration ng ABS-CBN at GMA Network. Retained pa rin ang original hosts na sina Bianca Gonzalez, Robi Domingo, Gabbi Garcia, Melai Cantiveros, Enchong Dee, at Alexa Ilacad. #Balita

Balita
Balita
Open In TikTok:
Region: PH
Saturday 24 October 2026 13:29:04 GMT
10298
14
1
0

Music

Download

Comments

user6591344538431
jenalyn gallo :
bka kasali si ante kler kaya nag resign aa palasyo next nman sa bbm
2026-10-24 14:06:18
0
To see more videos from user @balitaphl, please go to the Tikwm homepage.

Other Videos


About