@angbalitangayonfb: ROQUE, NABUHAYAN NG PAG-ASANG MAKAKAUWI SI DATING PANGULONG DUTERTE DAHIL SA U.S. SANCTIONS VS ICC Nagpasalamat si dating presidential spokesperson Atty. Harry Roque kay U.S. President Donald Trump matapos patawan ng Estados Unidos ng malawakang sanctions ang International Criminal Court (ICC), sabay pahayag na nabuhayan umano siya ng pag-asang makauwi sa Pilipinas si dating Pangulong Rodrigo Duterte. “Salamat, President Trump, sa US sanction sa International Criminal Court. Nabuhayan kaming makakauwi si Tatay Digong,” saad ni Roque sa kanyang social media post. Noong Oktubre 9, 2026, pinalawak ng Trump administration ang sanctions laban sa ICC bilang institusyon—isang hakbang na maaaring makaapekto sa access ng korte sa U.S. financial system at sa ilang kumpanyang nagbibigay rito ng banking, insurance at iba pang serbisyo. Ayon sa administrasyong Trump, layunin nitong tutulan ang umano’y pag-abuso ng ICC sa hurisdiksiyon nito laban sa mga bansang gaya ng Estados Unidos at Israel.
Ang Balita Ngayon
Region: PH
Monday 26 October 2026 02:08:00 GMT
Music
Download
Comments
Roberto Conde :
🙄🙄🙄
2026-10-26 03:10:44
0
To see more videos from user @angbalitangayonfb, please go to the Tikwm
homepage.