@pulsepilipinas: Nagbigay ng reaksiyon si dating COMELEC Commissioner Atty. Rowena Guanzon sa pagkakatalaga umano kay Giovanni Z. Lopez bilang bagong kalihim ng Department of Public Works and Highways (DPWH) sa ilalim ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. Ayon kay Guanzon, si Lopez ay isang 46-anyos na abogado, nagtapos ng abogasya sa San Beda at dating nagtrabaho sa Department of Transportation (DOTr). Sa kanyang pahayag, sinabi ni Guanzon: “New DPWH Sec ni BBM is Govanni Z Lopez, a 46 lawyer. He finished law in San Beda. Formerly with Dept of Transportation.” Ngunit higit sa kanyang mga kredensiyal, tila nais makita ni Guanzon kung kaya nitong sugpuin ang umano'y mga kuwestiyonableng transaksiyon sa ahensiya. “Let's see if this man can stop the Maleta business in DPWH.” Ang tinutukoy na “maleta business” ay maaaring tumukoy sa mga alegasyon ng pagpapalitan ng perang nakalagay sa maleta kaugnay ng mga proyekto at kontrata sa gobyerno. Sa pahayag ni Guanzon, malinaw na ang magiging sukatan niya sa bagong pamunuan ay kung may magagawa ito laban sa mga alegasyon ng korupsiyon sa DPWH.