it's_ellyy :
similar experience, nung grade 5-6 ako nagcacancer mama ko, papa ko ang nagaalaga and all. tapos bago magsimula ang grade 7 ko, namatay si mama, kaya si papa doble kayod pero hindi yun yung napansin ko, napansin ko yung part na nadagdagan mga responsibilidad ko, mga gawaing bahay, pagbabantay sa kapatid, at marami pang iba. nagtampo ako nun dahil naiinis ako kung bakit kailangan kong tumanda agad, kaya nagrebelde ako. consistent honor student ako since preschool, pero that year hindi na ako pumapasok sa mga online class, hindi nagpapasa, hindi nagaaral, private school ako nun pero nabawasan ang bayarin dahil sa scholarship ko. pero dahil nga bumaba ang grades ko, ayun nawala yung scholarship ko. the day na mageenroll ako ng grade 8 (gusto ko na ayusin yung pagaaral ko nun) nalaman ko yun, nakita ko yung mukha ng papa ko, nagsorry agad ako. hindi siya galit at disappointed pero nakita ko yung pagod niya, ang sakit ng dibdib ko nun, pero kahit hirap na kami, pinilit niyang ipagaral pa din ako sa school na yun. doble kayod siya, nasa office siya minsan tapos namamasada pa kapag may oras. nung grade 9 ako mamatay na si papa, at dun ko naintindihan na mahirap ng wala sila. alam niyo kung ano pa ang nalaman ko? bago mamatay si mama may iniwan siyang pera, pangtaguyod sa amin. pati na rin nung namatay si papa, may pera siyang iniwan para makapagaral kami hanggang college. ang sakit na hindi ko pinakita yung pagiging grateful ko nung nandito pa sila, ang sakit din isipin na mamamatay na nga lang sila kami pa rin yung iniisip nila. I love you mama and papa ko.
2026-10-27 18:42:05