@news5everywhere: ‘TAMA NA ‘YUNG PURO SALITA, WE WANT ACTION AND RESULT’ Binuweltahan ni Atty. Dino de Leon ang aniya'y puro salita at panay press conference ni Interior Sec. Jonvic Remulla kaugnay ng mga hakbang para maaresto si Sen. Bato Dela Rosa. Giit ni De Leon, may ilang pagkakataon na raw kasing kayang-kaya nang arestuhin ang senador pero puro porma lang ang mga awtoridad. Malayong-malayo raw 'yan sa naranasan ng beteranong mamamahayag na si Philip Lustre Jr. na agad inaresto ng pulisya.