@gmanews: Umabot na sa halos isang milyon ang bilang ng mga pasaherong nagtungo sa PITX para sa #Undas2026 mula Oct. 25 hanggang 29. Batay sa datos ng PITX, inaasahang aabot sa 200,000 ang bilang ng mga pasaherong gagamit ng terminal ngayong araw. Ayon kay Kolyn Calbasa, senior corporate affairs officer ng PITX, inaasahan namang aabot sa 1.8 million ang kabuuang bilang ng mga pasahero mula Oct. 25 hanggang Nov. 4. | via Jhomer Apresto/GMA News Bisitahin ang www.gmanetwork.com/news para sa pinakabagong balita.