@mr..malasakit.sen: SENATOR BONG GO, HINILING NA MAS MASUPORTAHAN ANG SPORTS TOURISM NG BANSA! Binigyang-diin ni Senator Bong Go, Chairman ng Senate Committee on Sports, ang kahalagahan ng sports tourism, na prayoridad din ng Philippine Sports Commission, at hinikayat ang mga Pilipino na unahin ang pagtangkilik sa sariling atin at libutin ang magagandang lugar sa bansa. Ayon sa kanya, naipapakita sa mga international sporting event ang ganda ng Pilipinas at naeengganyo nitong bumisita ang mga turista. Nakakabuti rin ito sa ekonomiya ng bansa. Nanawagan din ang senador ng multi-sectoral na pamamaraan upang mapakinabangan nang husto ang mga ito at mahikayat ang mas maraming kabataang Pilipino na pumasok sa sports. #SenatorBongGo #bonggo #mrmalasakit #BisyoAngMagSerbisyo #MrMalasakitSen