@tagapagmulatchann: HOUSE OF REPRESENTATIVES, KEEP UP!! Mga nakapila diyan ay mga kababayan nating humihingi ng medical assistance. Ayon sa impormasyon, 150 katao lamang ang ina-accommodate ninyo bawat araw. Kaya alas-10 pa lang ng gabi, nagkakampo na sila sa labas ng inyong tanggapan para makasiguro ng puwesto kinabukasan. Isipin ninyo: may mga pamilyang puyat, pagod at naghihintay sa gitna ng gabi, hindi para magbakasyon, kundi para makahingi ng tulong pinansiyal na maaaring makapagdugtong ng buhay ng kanilang mahal sa buhay. Gaano na ba kalala ang sistemang hindi natin kayang ayusin ito? Simpleng problema sa proseso, pero napakalaki ng epekto sa mga taong nangangailangan. Hindi dapat kailangang isakripisyo ng mga Pilipino ang kanilang pahinga, dignidad at pag-asa para lamang makakuha ng tulong na para naman sa kanila. Ayusin ang sistema. Hindi dapat dagdag na paghihirap ang paghingi ng tulong! #HouseOfRepresentatives #MedicalAssistance #SerbisyoPubliko #DignidadNgMamamayan
Tagapagmulat
Region: PH
Friday 30 October 2026 15:07:51 GMT
Music
Download
Comments
Reigns Jee :
bagong Pilipinas.. Pasakit muna bago malasakit 🤬🤬🤬🤬🤬
2026-10-31 05:10:05
1
inah_dp6 :
😡😡😡
2026-10-31 17:20:24
0
To see more videos from user @tagapagmulatchann, please go to the Tikwm
homepage.