@gmanews: NAKALABAS NA BUNGO Isang bungo ang nakausli sa butas na nitso malapit sa bakod ng Manila North Cemetery. Pinaiimbestigahan na ng pamunuan ng sementeryo kung paanong nangyari ito. Pero hinala ni Daniel Ten, direktor ng MNC, sinadya ito ng mga hinulihan nila ng hagdanan na nagpapatawid ng mga tao sa bakod ng sementeryo kapalit ng bayad, para hindi na dumaan sa main entrance. Sa ngayon, nasa anim na hagdan na ang nakukumpiska ng MNC. | via Jonathan Andal/GMA News Basahin: https://bit.ly/LiveUpdatesUndas2026