@kgmnews: ⚠️ KATANUNGAN: NAGSIMULA NA BA ANG PAGHANAP KAY SEN. BATO DELA ROSA? Ipinagpapatuloy at pinaigting na ng Philippine National Police ang operasyon at paghahanap kay Senador Ronald "Bato" dela Rosa matapos ang itinakdang panahon para sa kaniyang kusang pagsuko. Maraming impormasyon ang natatanggap sa mga itinalagang hotlines, na kasalukuyang sinusuri at binibigyang-kumpirma ng mga kinauukulan. Ayon sa Department of the Interior and Local Government, may ulat na nagtatago ang senador sa Mindanao sa ilalim ng proteksyon ng isang armadong grupo — bagaman patuloy pa ring inaalam ng kapulisan ang katotohanan nito. Hinihikayat ang publiko na umasa lamang sa mga opisyal na pahayag mula sa PNP at DILG para sa pinakatumpak na impormasyon. #BatoDelaRosa #Manhunt #PNP #DILG