@angbalitangayonfb: ATTY. GUANZON, KINUMPARA ANG DAGDAG-UTANG SA ILALIM NINA FPRRD AT PBBM Binatikos ni dating COA/Comelec Commissioner Atty. Rowena Guanzon ang paglaki ng utang ng bansa, habang ikinukumpara ang mga administrasyon nina dating Pangulong Rodrigo Duterte at Pangulong Ferdinand Marcos Jr. “Si Digong may Build Build Build Projects, nagkapandemya, ang utang sa 6 years ay ₱6.84 Trillion,” “Si BBM, walang pandemic, walang project, ₱6.87 Trilyon ang utang sa loob ng less than 5 years in office,” dagdag nito. Sa pinakahuling ulat ng Bureau of the Treasury na inilabas noong Oktubre 30, umabot sa ₱19.66 trilyon ang kabuuang utang ng pambansang pamahalaan hanggang katapusan ng Setyembre 2026. Mula sa ₱12.79 trilyon noong Hunyo 2022, katumbas ito ng humigit-kumulang ₱6.87 trilyong netong pagtaas sa mahigit apat na taon. Samantala, mula sa humigit-kumulang ₱5.948 trilyon noong Hunyo 2016, umakyat ang utang sa ₱12.79 trilyon noong Hunyo 2022—pagtaas na nasa ₱6.84 trilyon sa anim na taon ng administrasyong Duterte. Wala pang tugon ang administrasyong Marcos Jr. sa pahayag ni Atty. Guanzon.
Ang Balita Ngayon
Region: PH
Sunday 01 November 2026 14:30:27 GMT
Music
Download
Comments
Rain :
bbm walang malasakit sa taong bayan kaya ng presidente para magnakaw
2026-11-01 15:19:34
1
LucyPearl😈 :
Ito kay bbm 🤣🤣🤣
2026-11-01 14:33:46
0
To see more videos from user @angbalitangayonfb, please go to the Tikwm
homepage.