@gmanews: PANOORIN: Marami pa ring dumalaw sa kanilang mga namayapang mahal sa buhay ang nananatili sa Marilao Memorial Garden sa bayan ng Marilao, Bulacan pasado 10 PM, Nov. 1, 2026. Kaniya-kaniyang lagay ng tent, may mga naglagay ng lamesa para mapagsaluhan ang mga baong dalang pagkain habang nagbabantay sa sementeryo. Ayon sa awtoridad, bukas ang memorial garden hanggang hatinggabi. | via Jamie Santos/GMA News Bisitahin ang www.gmanetwork.com/news para sa updates.