@houda.bn12: هل كنت تعرف ان تزوج القورود امر طبيعي ؟

houda bn
houda bn
Open In TikTok:
Region: ES
Sunday 01 November 2026 22:13:56 GMT
46160
715
7
74

Music

Download

Comments

johanfourie553
johanfourie553 :
Looks good Thankyou ❤️❤️❤️❤️❤️❤️❤️❤️
2026-11-02 10:04:07
0
appleuser39665411
𝓼 :
ufff
2026-11-02 10:29:36
3
helvciocarlos
Helvécio :
mas já foi embora
2026-11-02 02:52:50
0
mahmodayad8
Mahmoud :
👋
2026-11-01 23:10:39
0
jernimomaximinogo
jernimomaximinogo :
😂😂😂
2026-11-02 06:26:18
0
mahmodayad8
Mahmoud :
👌👌👌
2026-11-01 23:09:28
0
cunisimpatik06
cuni i bukur :
😁
2026-11-02 21:52:26
0
To see more videos from user @houda.bn12, please go to the Tikwm homepage.

Other Videos

“Kapag ang bigat ng mundo ay halos hindi mo na kayang dalhin, alalahanin mong hindi ka inilagay ng Ama sa laban na hindi mo kayang lampasan. Sa gitna ng sakit, doon mas sinusubok kung kanino ka kakapit. Hindi lahat ng hindi ibinigay ay pagkakait—minsan, iyon ang pagliligtas. Ang luha mo ngayon, magiging pasasalamat mo balang araw. Kaya huwag mong piliin ang sumuko—piliin mong magtiwala. Dahil sa bawat unos, may Diyos na hindi ka kailanman bibitiw.” Kapatid… kumusta ka na? Balita ko… hindi mo na raw kaya. Balita ko… gusto mo nang sumuko. Pero… saan ka ba nakatingin? Alam ko, sasabihin mo— “Wala ka naman sa posisyon ko, kaya hindi mo ako naiintindihan.” Pero kapatid… hindi dahil wala ako sa eksaktong kinalalagyan mo ay wala na akong kakayahang umunawa. Minsan… kaya may ipinapadala ang Ama na mga taong magsasalita sa atin— kasi hindi pwedeng ang parehong sugatan ang magtuturuan kung paano maghilom. Hindi ito pagmamataas. Hindi ito dahil mas magaling ako. Kundi dahil… may mga laban na nilampasan ko na, na ikaw naman ang kasalukuyang tinatahak. At alam ko… kapag nandoon ka pa sa gitna ng sakit— mahirap talaga marinig ang payo. Mahirap ipasok sa isip ang mga salitang hindi pa kayang tanggapin ng puso. Kapatid… hindi ko man naranasan lahat ng pinagdadaanan mo, pero mapalad ako— dahil pinahintulutan ako ng Ama na maging kasangkapan para kahit papaano… mapagaan ang dinadala mo. Alam mo ba… nasasaktan ako kapag naririnig ko sa’yo— “ayoko na…” “pagod na ako…” “gusto ko nang mamatay…” Minsan iniisip ko… ganito na lang ba kabigat ang nararamdaman mo para umabot sa ganung salita? Oo, mabigat. Oo, masakit. Kasi nandiyan ka pa eh. Nasa gitna ka pa ng unos. At habang nandoon ka— lahat ng bagay… mas matindi. Mas masakit. Mas totoo. Pero kapatid… hindi natin kailangang ikumpara ang sakit ng kahapon at ngayon. Dahil sa bawat panahon— iba ang bigat. Iba ang laban. Pero iisa ang katotohanan— nalampasan mo noon… at malalampasan mo ulit ngayon. Sa ngayon… mahina ka. At okay lang yun. Kasi nandiyan ka pa sa gitna. Pero darating ang araw— tatawanan mo rin ito. Iiyak ka… pero may kasamang pasasalamat. “At least… hindi ako sumuko.” Kapatid… akala mo ba matatakasan mo ang lahat kung susuko ka na ngayon? Siguro… panandalian. Siguro… mawawala ang sakit. Pero… paano na sa araw ng paghuhukom? Handa ka bang ipagpalit ang panandaliang ginhawa sa walang hanggang kaparusahan? Huwag mong pangarapin ang katahimikang hindi naman kalooban ng Diyos. Dahil sa bawat pagkakataong sinasabi mong— “ayoko na mabuhay…” Parang sinasabi mo rin na— “nagkamali ang Diyos sa plano Niya para sa akin.” At alam kong alam mo… hindi nagkakamali ang Ama. Kaya ka Niya sinusubok— hindi para pabagsakin ka, kundi para patunayan kung kanino ka kakapit. Dahil kung sa sarili mo lang… tama ka—hindi mo talaga kaya. Kaya nga may Diyos. Kaya nga may Ama. May pangako na bang hindi Niya tinupad? O baka… ang hindi lang natupad ay yung gusto natin? Kapatid… kung may hindi man ibinigay sa’yo— tingnan mo rin yung mga bagay na hindi mo hiningi… pero ibinigay Niya. Huminga ka. Manalangin ka. Pero kapag nanalangin ka— huwag kang mag-alinlangan. Huwag mong sukatin ang sagot ng Diyos base sa oras mo… o sa gusto mo. Dahil minsan… ang hindi Niya pagbibigay ay Siya ring pagligtas sa’yo. May mga bagay na kailangan nating bitawan— kahit mahal natin. May mga bagay na kailangang masaktan— para mas mailapit tayo sa Kanya. At kung masakit man ngayon… Ito ang panahon na hindi lang tayo tumatanggap ng kalooban ng Diyos kapag magaan— Kundi lalo na kapag masakit. Kapatid… kapit ka lang. Hindi ka nag-iisa. At hindi ka pababayaan ng Ama. Hindi pa ito ang wakas mo. Simula pa lang ito ng patunay kung gaano ka Niya kayang patatagin. Nilikha ni; Ghelay 🌻🍂

About