@pochipuff: kung may p*p4t*y man sa akin, iyon ay ang “nostalgia” 😆. ilang taon pa lang ang lumipas, pero ang dami ko nang namimiss na memories. bago pa man mag november 1, inaabangan ko na sa balita ang lagay ng traffic, may uuwi kasi kaming mga kamag-anak para sa undas. may family reunion pa rin naman, pero ang dami na rin kasing nagbago. mas konti na lang kami na tumatambay sa sementeryo maghapon. hindi na rin kami naglalaro, nagbibilog at nagpapalakihan ng mga kandila. 🥲 wala na ring mas bata sa amin na naghihintay ng undas para makapaglaro sa sementeryo at mangaluluwa, kagaya ng ginagawa namin noon. nakakwentuhan ko ’yung pinsan kong dati kong kalaro sa sementeryo. marami-rami kaming napag-usapan about life, hanggang sa nasabi na lang niya: “hindi na lang talaga tayo ’yung mga batang naglalaro ng mga kandila noon.” at doon ko na-realize na hindi lang pala ang mga nakagawian namin tuwing undas ang namimiss ko. pati pala ’yung mga taong kasama ko noon, at ’yung mga panahong bata pa kami, at wala pa kami masyadong iniisip. siguro ganoon talaga ang pagtanda. unti-unti mong namamalayan na ang mga alaalang dati mong inuulit-ulit taon-taon, alaala na lang pala ngayon. #undas #filipinochildhood #childhoodmemories #filipinotraditions #goodolddays
pochipuff
Region: PH
Monday 02 November 2026 02:16:22 GMT
Music
Download
Comments
Kevin :
actually this year felt so unexpected and a lot of plow twist in my life. I hope that we can still back those old days
2026-11-02 08:46:38
101
dʒeɪ :
Tumanda na ba talaga ako oh sadyang nagbago na lang din yung mundo
2026-11-02 09:30:47
24
shems :
naiyak ako dun ah, ito rin kasi naf-feel ko these days 🥺
2026-11-02 09:02:29
10
RAN :
Biko and Bilo-Bilo🥺✨
2026-11-02 11:14:32
1
luna :
miss those days
2026-11-02 04:28:20
7
To see more videos from user @pochipuff, please go to the Tikwm
homepage.