@malhisidhwan07: CMFC News Brief 11-01-01 November 1, 2026 SANTIAGO CMFC JOINS XFM OUTREACH PROGRAM Lungsod ng Santiago- Bilang pakikiisa sa paggunita ng Araw ng mga Santo at Araw ng mga Kaluluwa (UNDAS 2026), nakiisa ang mga tauhan ng Santiago City Mobile Force Company (Santiago CMFC), sa pangunguna ni PMAJ DONALD P DIEGO, Deputy Force Commander, sa ilalim ng pamumuno ni PMAJ CHRISTOPHER T DANAO, Acting Force Commander, sa XFM Outreach Program na isinagawa sa Calaocan Public Cemetery, Barangay Calaocan, Santiago City. Ang nasabing programa ay pinangunahan ni Ms. Rowena Munchang, Manager ng XFM Santiago, at sinuportahan ni Mr. Mukesh Malhi Singh, may-ari ng Taste of India, bilang sponsor ng aktibidad. Bilang bahagi ng outreach program, namahagi ang mga tagapagtaguyod ng libreng lugaw na may itlog at kandila sa mga dumalaw sa sementeryo upang magbigay ng kaunting tulong at malasakit sa mga pamilyang dumalaw sa kanilang mga yumaong mahal sa buhay. Ipinapakita ng pakikiisa ng Santiago CMFC sa nasabing aktibidad ang patuloy na dedikasyon ng Pambansang Pulisya ng Pilipinas sa pagsusulong ng kapayapaan at kaayusan, gayundin sa pagpapalakas ng ugnayan at pakikipagtulungan sa komunidad sa pamamagitan ng mga programang nagtataguyod ng malasakit at serbisyong publiko. Patuloy namang isinusulong ng Santiago CMFC ang mga adhikaing Serbisyong Mabilis, Tapat at Nararamdaman, bilang bahagi ng pangako nitong maghatid ng makabuluhang serbisyo sa publiko, lalo na sa panahon ng paggunita ng UNDAS 2026. ### CMFC News Brief No. 11-01-01 Authority: PMAJ CHRISTOPHER T DANAO Acting Force Commander CMFC Hotline #: 09176870001 Facebook Page: Pnp Scmfc Santiago Cpo #BagongPNPparasaBagongPilipinasSerbisyongMabilisTapatatNararamdaman #ToServeandProtect #foryou #viral #sidhumoosewala
Malhi Sidhwan
Region: PH
Monday 02 November 2026 02:59:54 GMT
Music
Download
Comments
There are no more comments for this video.
To see more videos from user @malhisidhwan07, please go to the Tikwm
homepage.