@news5everywhere: CLEAN AND JERK NA MAY KASAMANG TWERK AND HAIR FLIP 💅🏼🏋 Slay ang 13-anyos na weightlifter na si PrinceJhay Cuyson matapos ang kaniyang successful clean and jerk lift sa youth 55kg division ng HD Lift Off event na inorganisa ni Olympic gold medalist at pinay weightlifter Hidilyn Diaz noong Agosto. Tagumpay na nabuhat ng batang weightlifter ang 51kg para sa clean and jerk, habang 31kg naman sa snatch ng kompetisyon. Ayon sa kanyang coach na si Kimmerick Tobio Santos, Marso ngayong taon lamang nagsimula si PrinceJhay na mag-weightlifting. Pangarap din aniyang maging isang mahusay na atleta para maipagmamalaki ng kaniyang pamilya at buong bansa.