@dexasaurusrex2: Marami na akong nabasang mga mitolohiyang Griyego, ngunit may isang kuwento na tunay na pumukaw sa aking damdamin—ang kuwento nina Orpheus at Eurydice. Isa itong trahedya ng dalawang pusong pinaghiwalay ng kamatayan, ngunit higit pa roon, isa rin itong kuwento tungkol sa pagmamahal na handang suungin maging ang kailaliman ng kabilang-buhay. Sa kuwento, namatay ang minamahal ni Orpheus na si Eurydice. Dahil sa labis na pagmamahal at pangungulila, nagpasya siyang tahakin ang daan patungo sa kaharian ng mga yumao upang maibalik ang kanyang minamahal. Bitbit ang kanyang lira, tinugtog niya ang pinakamagagandang himig upang makalagpas kay Charon, ang tagapaghatid ng mga kaluluwa sa Ilog Styx. Maging si Cerberus, ang mabangis na asong nagbabantay sa pintuan ng kabilang-buhay, ay napatahimik ng kanyang musika. Dahil sa kanyang katapatan at sa awa ni Persephone, pinahintulutan siya ni Hades na maiuwi si Eurydice sa isang kondisyon: hindi siya maaaring lumingon sa kanyang minamahal hangga't hindi sila tuluyang nakalalabas sa kaharian ng mga yumao. Kapag ginawa niya iyon, tuluyan nang mawawala si Eurydice at hindi na muling maibabalik. Tinanggap ni Orpheus ang kondisyon. Nagsimula silang maglakbay patungo sa liwanag, ngunit habang papalapit sila sa hangganan ng dalawang mundo, unti-unting nilamon ng pagdududa ang kanyang isipan. Paano kung hindi na sumusunod si Eurydice? Paano kung mag-isa na lamang siyang naglalakad? Hindi niya napigilan ang sarili at tuluyan siyang lumingon. Naroon si Eurydice, ngunit unti-unti na itong naglalaho. Sa huling pagkakataon, nagpaalam siya sa lalaking minsang naglakbay hanggang sa kailaliman ng kamatayan para lamang sa kanya. “Paalam, Orpheus.” Ngunit naisip ko, paano kung ako ang nasa kalagayan ni Eurydice? Kung ako ang kaluluwang naghihintay sa kabilang dulo ng kadiliman, may maglalakas-loob kaya na tahakin ang daan patungo sa akin? Kung ikaw si Orpheus, tatahakin mo rin ba ang kailaliman ng aking kabilang-buhay upang muli mo akong makapiling? Lalakbayin mo ba ang ilog ng aking mga paghihirap at tutugtugin ang iyong pinakamahinahong musika upang mapatahimik ang mga alon ng aking damdaming hindi kailanman natutong kumalma? Haharapin mo ba ang mga halimaw na nagbabantay sa aking mga kahinaan? At kung marating mo man ang aking kinaroroonan, magkakaroon ka pa rin ba ng lakas na samahan ako sa paglalakbay pabalik sa liwanag? O baka, tulad ni Orpheus, lilingon ka rin dahil sa pagdududang hindi mo na ako kayang samahan? Baka sa kalagitnaan ng ating paglalakbay, mapagod ka rin sa katahimikang bumabalot sa akin. Baka mas piliin mong tiyakin kung naroon pa ako kaysa magtiwala na sinusundan pa rin kita. Marahil, iyon ang pinakamalungkot na bahagi ng kuwento nina Orpheus at Eurydice. Hindi lamang dahil nawala niya ang babaeng minahal niya, kundi dahil sa kabila ng lahat ng kanyang pinagdaanan, isang sandali ng pagdududa ang naging dahilan upang tuluyan niya itong mawala. At kung ako si Eurydice, hindi ko hihilinging bumaba ka sa kailaliman ng kamatayan para lamang patunayang mahal mo ako. Ang nais ko lamang ay huwag kang lumingon dahil natatakot kang wala na ako. Sapagkat kung tunay mo akong nais makasama, sana'y matutuhan mong magtiwala na kahit hindi mo ako nakikita, naroon pa rin ako—tahimik na sumusunod sa bawat hakbang mo, umaasang sa pagkakataong ito, hindi mo na ako muling iiwan. “Hindi lahat ng naglalakbay sa kadiliman ay naghahanap ng daan palabas. Minsan, naghihintay lamang silang may taong handang samahan sila hanggang sa liwanag.” #foryou #writing #fyp #foryoupage #article

dexasaurusrex
dexasaurusrex
Open In TikTok:
Region: PH
Monday 02 November 2026 15:03:39 GMT
386340
104243
111
10002

Music

Download

Comments

n.nicleean
𝒩. 𝐵𝑒𝓁𝓁𝒶𝒻𝒾𝑜𝓇𝑒 :
" An Orpheus who doesn’t look back is an Orpheus who didn’t love Eurydice”
2026-11-03 13:52:58
2169
blewsunshine
blueberry :
lilingon ka rin ba? kahit na alam mong sa sandaling lumingon ka ay tuluyan na akong mawawala sa ‘yo? o didiretso ka lang kahit hindi ka sigurado na nakasunod ako sa ‘yo at tanging tiwala lang na sa dulo ay magkakasama tayo
2026-11-03 11:24:43
4714
faeviaaaaa
love, Via. :
There was a theory I heard, that even though Orpheus didn't look back, the roads of hell would be much longer, till it feels like there's no end, It's for him to accept that she is finally gone. To love is to look back, because if Orpheus wouldn't look back why was he in hell in the first place?
2026-11-03 23:46:49
1052
lusciousgracious
♠️ :
Some people was disappointed in Orpheus for looking back, but they failed to see how much he had already endured just to reach the Underworld and bring his loved one back. They judged him for one moment of doubt, forgetting the courage, love, and effort it took for him to get that far.
2026-11-05 04:13:26
472
.elyzieee
Yael :
Marahil, ang pinakamasaklap na anyo ng pagkawala ay hindi ang mamatayan ng minamahal, kundi ang halos maibalik na siya sa iyong piling, ngunit muling maagaw ng tadhanang hindi marunong mahabag.
2026-11-03 15:20:42
561
chaobbei
chao :
where u do watch or read greek mythology stories po? pls do share kasi i really wanna dive deep into greek mythology 😢
2026-11-03 16:30:03
38
karlgamazon
karl :
If I were him, I would do the same. I will never go out of that cave without knowing if my Eurydice was still following me, I have endured a lot to reach her, it's not because the doubt that I looked back, but because I care and love her.
2026-11-05 13:12:09
37
ishangggh_
teryanggh୨ৎ :
Naalala ko nung first na nabasa ko to way back 2022. Napapaisip ako kung sakaling mahanap ko na yung taong mahal ko in the future magiging si Orpheus ba siya o ibang klase siyang Orpheus, I always thought na in this generation mostly of boys are like Orpheus, natatakot silang magisa lang pala sa pag lalakbay patungo sa future nila, na nakakalimutan nila pag katiwalaan ang kanilang Eurydice na kasama niyang nag lalakbay. That time I wish my Orpheus would trust me na magkasama kami sa paglalakbay at hindi ko siya iiwan, na pag katiwalaan niya akong sumusunod sakanya sa lahat ng pagsubok naming dalawa.
2026-11-03 16:40:15
47
mr.cruz.03.25
MR. CRuZ :
gaya ni hercules, kakayanin kong langoyin ang river of death para lamang makita muli kitang buhay.
2026-11-03 12:12:55
47
.rasmanawari
𝚁 𝙰 𝚂 ♞ :
nanakawin kita sa kamay ng kamatayan kahit ikamatay ko pa ito📜
2026-11-03 14:37:22
35
gehleezfanboi
jhazisweird 🎸 :
at least, in some versions of the myth, orpheus and eurydice finally reunited in the underworld after he died. they couldn't be together in the world of the living, but at least they found each other again where nothing could separate them
2026-11-17 02:54:54
5
jhojicia
shinobi :
hindi mo na nga lalakbayin ang kabilang buhay para sa akin, paniguradong hindi ka pa lilingon para lang makita at makasama ako ulit
2026-11-03 22:04:25
30
ann_geli23
Ann_geli23 :
honestly, napansin kong logic dyan is pag mahal mo ang isang tao, kahit walang kasiguraduhan is magtitiwala ka na nandyan parin siya at kasama mo kaya siguro yun yung kondisyon ni Hades, wag siyang lilingon.
2026-11-22 10:33:37
7
llawliet_947
Llawliet_ :
napakaganda, wala akong masabi!
2026-11-03 04:55:48
20
caribonay_a26
cass :
I think he looked back not because he was doubting her, but because he feared that she wasn't with him at all. I would have done the same, I would not leave the underworld if i wasn't sure that she was really following me. I would look back out of love for her and out of fear that she wasn't really with me and that I have just been tricked, not out of doubt.
2026-11-07 07:41:53
5
_rh.yo
︎ ︎ :
Hindi ako lilingon, ngunit sa sandaling hindi ko na maramdaman ang init ng iyong pagtangan, ang malambing mong tinig — ang tunog ng iyong mga yapak sa aking likuran, hindi ko mapipigilan ang aking sarili na lumingon habang naglalakad sa walang hanggang kailaliman, dahil ikaw ang nagsisilbing aking kanlungan sa paglalakbay kong tila'y walang patutunguhan.
2026-11-07 01:41:46
6
jay_deexxp
️ :
lilingon ka rin ba? kahit na alam mong sa sandaling lumingon ka ay tuluyan na akong mawawala sa ‘yo? o didiretso ka lang kahit hindi ka sigurado na nakasunod ako sa ‘yo at tanging tiwala lang na sa dulo ay magkakasama tayo
2026-11-07 04:18:02
5
user0609200004
alecsys :
to love is to look back
2026-11-03 18:38:27
28
ej_4y
EJ AY :
May post to sa ig?
2026-11-03 12:07:52
5
kaye_serasera
elle :
goated take. I never thought about it like this omg. You're amazing, you just opened up my mind to a new perspective
2026-11-18 18:34:23
2
zora_wk
chickencurry :
is this on ig?🥹
2026-11-07 05:43:08
3
keiw_y
20210220 Stratocaster :
2026-11-08 12:17:20
2
zyneugdiman
:p :
Gaya ni Apollo, gagawin mo rin ba akong isang magandang bulaklak—kahit na alam mong ako'y namatay sa iyong mga kamay? - apollo & hyacinthus
2026-11-13 13:29:16
3
itsrioanne_
￴￴ ￴￴ ￴￴￴ ￴￴￴ ￴￴ ￴￴ ￴￴￴ :
Sometimes, the fear of losing someone becomes the reason we lose them
2026-11-16 23:39:57
2
To see more videos from user @dexasaurusrex2, please go to the Tikwm homepage.

Other Videos


About