@dwiz882am: Nanawagan si Mamamayang Liberal Party-list Representative Leila de Lima ng agarang pagsasabatas sa panukalang Citizen Access and Disclosure of Expenditures for National Accountability o CADENA Act, kasunod ng mga ulat ng umano'y budget insertions sa 2027 national budget. Layunin ng panukala na palawakin ang access ng publiko sa impormasyon hinggil sa pambansang badyet at mga proyekto ng pamahalaan upang matiyak ang transparency at pananagutan sa paggamit ng pondo ng bayan. Nakiisa rin sa panawagan sina Navotas Representative Toby Tiangco, Marikina Representative Marcy Teodoro, at Senator Bam Aquino, isa sa mga may-akda ng panukala sa Senado. Hinihimok ng mga mambabatas ang Kamara na bigyang-prayoridad ang CADENA Act upang masiguro ang mas bukas at malinaw na proseso ng paglalaan at paggastos ng pondo ng pamahalaan. #DWIZ #DWIZ882AM #DWIZNews #Foryou #FYP #foryoupage #fypシ゚ #LeilaDeLima #CadenaAct