@gmanews: BABALA: Sensitibong balita. Maging disente sa pagkomento. EXCLUSIVE: Hinoldap ng dalawang riding-in-tandem ang isang kagawad ng barangay sa bahagi ng San Rafael Street sa Quiapo, Manila dakong 8 PM noong Sabado, Oct. 31. Ayon sa barangay, nag-aayos noon ng mga gamit sa sasakyan ang biktima dahil aalis sila ng kaniyang pamilya papunta sa Batangas para sa #Undas2026. Aabot daw sa mahigit P200,000 ang halaga ng ari-arian at cash na natangay sa biktima. Narekober naman sa isang ilog sa Parañaque ang wallet ng biktima kung saan nakalagay ang kaniyang mga ID, debit card at ilang dokumento ng sasakyan. Patuloy ang follow-up operation para mahuli ang mga suspek at mabawi ang mga nawalang gamit sa biktima. | via Jhomer Apresto/GMA News Bisitahin ang www.gmanetwork.com/news para sa pinakabagong balita. #GMANews