@gma_publicaffairs: KILALANG PERSONALIDAD AT 5 IBA PA, KAKASUHAN NG MURDER SA PAGPATAY SA WORKING STUDENT SA BATANGAS — PNP Kakasuhan ng murder ang isang kilalang personalidad at limang iba pa kaugnay ng pagpatay sa isang 22-anyos na working student sa San Jose, Batangas, ayon sa Philippine National Police ngayong Lunes. Lumabas sa imbestigasyon ng mga awtoridad na posibleng love triangle ang motibo sa pamamaril sa biktima habang sakay ng kanyang motorsiklo sa Barangay Banay-banay II noong October 25. #GMAPublicAffairs