@situationreportph: DOLOR SA PLANONG SEA AMBULANCE NG PCSO: 'PINAKAMAGANDANG PLANO NA NA-APPRECIATE KO' WATCH: Inihayag ni Oriental Mindoro Gov. Humerlito "Bonz" Dolor na pinaka-nagustuhan niya sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) ay ang plano nito na magkaroon ng sea ambulance. Ayon kay Dolor, malaking bagay ito para sa kanila at mga kasamang probinsya sa MIMAROPA dahil hiwa-hiwalay sila o island provinces. Sabi naman ni PCSO General Manager Mel Robles, layon ng nasabing sea ambulance o landing craft vehicle na mai-transport ang ambulansya mismo na may sakay na pasyente kung kinakailangan sa mas malaking ospital na nasa kabilang mga isla. Panoorin ang video na ito. #TheSituationReport