@loren_legarda: Malaki ang kontribusyon ng ating mga mangingisda sa buhay ng bawat Pilipino. Mula sa kanilang araw-araw na paglalayag, may pagkaing naihahain sa ating mga hapag at kabuhayang naitataguyod para sa kanilang pamilya. Kaya patuloy kong binibigyang-halaga ang kanilang kapakanan. Bilang author ng Republic Act No. 10654 o An Act Amending the Philippine Fisheries Code of 1998, isinulong ko ang mas mahigpit na paglaban sa ilegal na pangingisda. Ako rin ay co-author ng Republic Act No. 11398 o Philippine Fisheries Profession Act, na nagtatakda ng mga pamantayan sa propesyon ng fisheries sa bansa. Patuloy ko ring isinusulong sa Senado ang Municipal Fisherfolk Protection Act, Young Farmers and Fisherfolk Challenge Act, at Fisheries Vessel Monitoring Act upang mas mapangalagaan ang kanilang karapatan, kabuhayan, at yamang-dagat. Hangad ko ang mas maayos at ligtas na kabuhayan para sa bawat mangingisda at kanilang pamilya. #LorenLegarda #LodiKoSiLoren
Loren_Legarda
Region: PH
Thursday 05 November 2026 01:05:52 GMT
Music
Download
Comments
There are no more comments for this video.
To see more videos from user @loren_legarda, please go to the Tikwm
homepage.