@zionluckyshop: Para sa’yo na pagod na, nahihirapan, at minsan naiisip na sumuko… Hinga muna. Hindi mo kailangang maabot lahat ng pangarap mo sa isang araw. Kung wala pang magandang nangyayari ngayon, huwag mong isipin na wala nang mangyayari bukas. Magsimula ka ulit. Subukan mo ulit. Kahit maliit na progress lang, progress pa rin ’yan. Huwag mong maliitin ang sarili mo dahil lang hindi ka pa successful ngayon. Darating din ang araw na maipagmamalaki mo ang sarili mo dahil hindi ka sumuko noong panahong gusto mo nang bumitaw. Laban lang. Hindi pa dito nagtatapos ang kwento mo. ❤️ #labanlang #lifemotivation #dailyreminder #creatorsearchinsights #gooddaymotivation