@abantenews: OLONGAPO CITY NAGSAGAWA NG TSUNAMI, EARTHQUAKE AWARENESS CAMPAIGN Nakiisa ang mga estudyante at faculty members mula sa iba’t ibang paaralan sa Olongapo City sa isinagawang Tsunami and Earthquake Awareness Campaign ngayong araw sa 3rd Floor Museum, Civic Center. Pinangunahan ng City Disaster Risk Reduction and Management Office (CDRRMO) ang aktibidad na naglalayong palawakin ang kaalaman ng publiko tungkol sa paghahanda sa lindol at tsunami. Kabilang sa mga interactive activity ang Hanap-Hazard Challenge, Hands-Only CPR Training at DIY Go Bag Challenge upang maturuan ang mga kalahok ng mahahalagang kaalaman at kasanayan sa panahon ng emergency. 📹: Disaster Risk Reduction & Management Office - Olongapo City