@tvpatrol: Sugatan ang isang batang babae matapos masalpok ng motorsiklo sa Cauayan City, Isabela. Agad namang isinugod sa pagamutan ng mga rumespondeng rescuer ang sugatan bata at rider. Ayon sa pulis, nasa maayos nang kalagayan ang bata. Nagkaroon na rin umano ng pag-uusap ang pamilya ng bata at ang rider kaugnay ng insidente. #SOTD (November 5, 2026)