Jaypeeblue💙 :
Minahal naman nya ako, napagod nga lang sya, ngayon alam kong wala na, kita naman sa kilos nya at maging sa salita nya, inilaban ko naman, pero may mga bagay talaga siguro na di natin pwedeng ipilit, masakit lang kasi, di pa ako tapos mahalin sya, at sa tingin ko di ako matatapos dun, pero kung may iba ng nilalaman ang puso nya, wala na ako magagawa kundi ang mahalin sya sa malayo, palayain sya dahil ang totoong pagmamahal ay pagpapalaya para sa kasiyahan ng minamahal mo, mahal pa din kita, at di ko na kailangan marinig sayo ang salitang hindi mo na ako mahal, sapat na sakin na minsan mo akong minahal, ayoko man matapos, pero gusto kita maging masaya, at kung di ko mabigay yun, patawadin mo ako, hinding hindi ako titigil mahalin ka, hangang sa muli aking mahal.
2026-11-07 08:02:40