@zia.alontoadiong: Sa konsultasyon sa Butuan City, binigyang-diin ang kahalagahan ng mga panukalang batas na tutugon sa pangangailangan ng PWD sector, kabilang ang panukalang pagtatatag ng isang autism center. Kasama sa usaping ito ang mas maayos na access sa mga gusali at serbisyo, pagpapatupad ng mga benepisyo, at suportang tumutugon sa iba’t ibang uri ng kapansanan. Mahalaga ring mapakinggan ang karanasan ng mga PWD at kanilang mga pamilya upang maging angkop at makabuluhan ang mga solusyong isinusulong. #PWDRights #InklusibongLipunan #BosesNgPWDSector #ZiaAlontoAdiong