@news5everywhere: TUMAOB NA BANGKA Tumaob ang isang pampasaherong bangka sa San Carlos City, Negros Occidental, bandang 4:00 p.m. ngayong Biyernes, Nov. 6. Ayon sa mga saksi, hinampas ng malakas na alon ang bangka habang nasa 10 metro lamang ang layo nito mula sa Dapdap Port sa Sipaway Island. Nakaligtas naman ang lahat ng pasahero. | via Bobby Valencia