@dwiz882am: Isinusulong ng Philippine Animal Welfare Society (PAWS) ang pagkakaroon ng mas mahigpit na regulasyon sa mga serbisyong may kaugnayan sa paglilibing at kremasyon ng mga alagang hayop kasunod ng pagkakatuklas sa mga labi ng hayop sa San Jose del Monte, Bulacan. Ayon kay PAWS Executive Director Atty. Anna Cabrera, may mga mambabatas nang nagtutulak ng panukalang batas na magre-regulate sa mga pet crematorium at iba pang aftercare services upang matiyak ang maayos na pangangasiwa sa mga labi ng mga namatay na alagang hayop. #PAWS #DWIZNEWS #DWIZ882AM #DWIZ