@dzyt765: HUWAG PADALOS-DALOS Binigyang-diin ni Vice President Sara Duterte ang kahalagahan ng pagpapanatili ng magandang relasyon sa China at paggamit ng diplomasya sa halip na maging pabigla-bigla sa gitna tumitinding ng girian sa West Philippine Sea. Ayon sa Bise Presidente, dapat munang timbangin at suriin ng pamahalaan ang lakas at kakayahan ng armas ng bansa bago makipag-alitan sa mas malaking puwersa. Aniya, “Totoo man, meron tayong girian sa West Philippine Sea pero dapat iniisip ng pamahalaan: Gaano ba kalaki ang baril ko? Gaano ba kalaki ang baril ng kalaban?”