@nymvelle: Darating ka sa point na mas gusto mo ang tahimik na gabi kaysa sa magulong crowd, genuine conversations kaysa sa maraming kakilala, at simpleng buhay kaysa sa buhay na kailangan mong patunayan sa social media. Hindi ibig sabihin na wala kang pangarap; natutunan mo lang na hindi lahat ng achievement kailangang makita ng ibang tao. Kapag nasanay ka na sa lowkey life, magiging priceless para sa’yo ang privacy, peace of mind, at mga taong hindi mo kailangang pagdudahan. Mas gusto mo nang tahimik na umunlad kaysa maingay na magpakitang-gilas. Dahil minsan, ang pinaka-masarap na buhay ay yung walang kailangang patunayan kanino man. #LowkeyLife #LowkeyLiving #SimpleLife #PeacefulLife #PrivateLife