@aviethodigital: HANDANG-HANDA NA! Handang-handa na umano ang defense team ni Vice President Sara Duterte sa pagharap ng mga ebidensya at testigo sa pagpapatuloy ng impeachment trial ngayong Nobyembre 9. Ayon kay Atty. Michael Poa, bagama't nakasaad sa kanilang pre-trial brief na maaaring tumagal nang hindi bababa sa 30 araw ang proceedings, nais nilang makapagharap ng sapat na testigo nang hindi na pinahahaba pa ang paglilitis. Samantala, sinabi ni Poa na hindi pa matiyak sa ngayon kung haharap si Duterte sa sarili niyang impeachment trial. #VPSara #VPSaraDuterte #SaraDuterte #Duterte #AviethoDigital