@eroedtx: Bela is slowly giving Big Winner energy for me ✨ Honestly nung umpisa, para lang siyang comic relief o Melai ng season. Pero nung nag-open up siya tungkol sa mom niya, mag-iiba talaga tingin mo sa kanya. Aminado naman tayong hindi siya 'yung performance-type o artist housemate. Pero napaka-real niya. Siya 'yung tipong tropa o ate na mukhang palaging lutang, pero solid makinig at malalim mag-isip. Hindi plastic, hindi rin acting-acting para lang magustuhan ng tao (di katulad ng iba dyan na pilit nagse-set ng persona). Out of all the housemates, si Bela 'yung pinaka-relatable at totoong tao. Gusto ko pa siyang makita nang mas matagal sa loob. Walang love team, walang gimik, purely HER self lang. Big Winner material!