@abantenews: BABALA, SENSITIBO ANG MAPAPANOOD AT MAY MGA LENGGUWAHE NA HINDI ANGKOP SA MGA BATA BATA GUMAPANG SA KALSADA Isang bata na gumagapang sa gitna ng kalsada ang agad na nailigtas ng dalawang sakay ng motorsiklo matapos nila itong mapansin sa kahabaan ng West Avenue, Quezon City. Viral ngayon sa Facebook ang video ng uploader na si Blake Tan, na nagsabing nangyari ang insidente bandang alas-11 ng gabi noong Linggo, Nobyembre 8. Kuwento niya, pauwi na sila ng kaniyang kaibigan nang mapansin ang isang tila gumagalaw sa kalsada na noong una ay inakala umano nilang aso o pusa. Ngunit nang makalapit, nagulat sila nang matuklasang isang bata pala ang gumagapang sa daan. Dahil sa pangambang masagasaan ang bata ng mga dumaraang sasakyan, agad silang huminto, bumaba sa motorsiklo at inilayo ito sa kalsada. Doon nila nalaman na anak pala ito ng isang lalaking homeless na agad ding lumapit sa kanila dahil nawala umano ang anak nito sa kanilang kariton. Hinala ng dalawang rider, nagising ang bata at nang mapansing wala sa tabi nito ang ama ay sinubukan nitong hanapin sa pagtawid sa kalsada nang gumagapang. Nagpasalamat naman ang ama sa dalawang sakay ng motorsiklo sa pagkakasagip sa kanyang anak mula sa posibleng aksidente. | via Angelica Malillin, Abante News
Abante News
Region: PH
Tuesday 10 November 2026 01:54:04 GMT
Music
Download
Comments
🌹ROSÉ🌹 :
ikulong dapat magulang 🤬
2026-11-10 02:20:26
4540
Mr. Suplado, RN 🩺 :
Ikulong ang magulang pati si BBM
2026-11-10 03:06:24
1191
itsdcr1992 :
buti nauna sya dun sa nka kotse. napansin kagad nya .
2026-11-10 02:37:51
2753
Gina :
tapos pag nasagasaan kulong yung naka sagasa!!!!
2026-11-10 02:47:16
1056
Chardie Garcia :
bawal mag park dyan lalo na kapag green light pa..
2026-11-10 02:49:04
43
Alana 🌈 :
Right place at the right time sila kuya. Sila ang instrument ni Lord kung bakit hindi napahamak si baby.
2026-11-10 03:45:43
126
Gin_kerosene :
Ikulong dapat yung iresponsableng magulang
2026-11-10 02:18:03
702
Paul :
Grabe! buti nakita agad, can't imagine kung nag kataon na bus or truck ang dumaan haysss
2026-11-10 02:27:50
609
Jade :
modus ata yan para makakuha ng pera pag nakasagasa
2026-11-10 03:55:10
57
Yuri💙 :
death penalty sa parents
2026-11-10 03:03:43
24
Sai :
kung gma nag balita nyan sure multo yan
2026-11-10 02:15:31
76
୨ৎ 𝑪𝒂𝒓𝒂𝒎𝒆𝒍 ♡ :
DSWD PLS!!!!!
2026-11-10 02:49:05
42
meena_cutie :
modus na nila yan..peperahan ang makakasagasa
2026-11-10 03:48:11
7
Eli 🤟 :
Kung chill lang ang takbo ng motor ganito ang mangyayare. Hindi nya masasagasaan yung bata dahil makakapreno sya kahit highway pa yan. Pero bakit pag aso laging sinasagasaan lang?
2026-11-10 03:20:34
8
Silent Visitor 💅 :
Grabe tumaas balahibo ko 😭😭😭 paano na lang kung truck ang dumaan di basta basta mkkita 😭😭😭
2026-11-10 03:16:58
27
PusaPH :
Salute sayo Paps at napansin mo malayo palang. kung iba yan baka nasagasaan pa yan
2026-11-10 02:52:08
34
Je4r :
hndi gagapang ganyan kalayo yan either nilagay dyan para pag nasagasaan hihingi nang danyos satingin ko lang
2026-11-10 03:37:31
11
shillverprince :
parang modus ng magulang yan ahh
2026-11-10 03:14:43
8
itsbabesfromnowhere :
Ayaw niyo, akin nalang. Hirap na hirap na ko magpacheckup para lang magkaanak tapos papabayaan niyo lang.
2026-11-10 03:24:54
487
wi :
Buti nag overtake siya sa kotse, baka yung kotse pa nakasagasa dyan pag nag kataon. Hirap makita niyan.
2026-11-10 02:42:40
225
_the_who0 :
wtf?! hindi pa ata nakakalakad yung bata. hindi kaya modus yan? parang wala lang doon sa pinagbalikan nila nung bata. 🤦
2026-11-10 03:49:12
6
Sharmaine :
dapat tlga may batas na sa pinas na higpitan ang gumawa ng anak.... tulad sa Saudi kung hindi pa kayang bumuhay ng pamilya hindi pwede maganak kulong dapat... sa pinas baligtad maganak ka ng marami kahit di mo kayang buhayin dahil susuportahan kpa ng gobyerno...
2026-11-10 03:15:39
17
Enma_Aera :
ANAK PA
2026-11-10 03:09:24
11
Kramor :
buti napansin agad kung mgaalalaking sasakyan yan baka di napansin kulong driver kung nagkataon pabayang mga magulang
2026-11-10 02:17:36
29
Angelo :
isuko agad sa government authority para makasuhan ang irresponsibleng guardian
2026-11-10 02:19:54
19
To see more videos from user @abantenews, please go to the Tikwm
homepage.