@abantenews: KAMPO NI VP SARA DISMAYADO SA ISTILO NG PAGTATANONG NG ILANG SENATOR-JUDGES SA MGA TESTIGO NG DEPENSA Inamin ni Atty. Paolo Panelo, tagapagsalita ni Vice President Sara Duterte, na dismayado siya sa istilo ng pagtatanong ng ilang senator-judges sa mga testigo ng defense panel sa loob ng dalawang araw na paglilitis ng impeachment court. Ayon kay Panelo, aminado siyang marami sa mga senator-judges ay hindi abogado, ngunit iginiit niyang dapat nauunawaan ng mga ito kung alin ang may kaugnayan o hindi sa mga isyung tinatalakay sa impeachment trial. Pinayuhan din ng abogado ang mga senador na kontrolin ang kanilang sarili sa pagtatanong at tiyaking nakatuon lamang sa mahahalagang usapin upang hindi malihis ang paglilitis sa pangunahing isyu. Ipinaliwanag ni Panelo na ang pangunahing tanong na dapat sagutin ay kung mayroon bang nakatagong yaman si VP Sara na hindi idineklara sa kanyang Statement of Assets, Liabilities, and Net Worth (SALN). Aniya, malinaw umanong nasagot ng dalawang City Assessor mula sa Davao City at Samal Island na ang mga property ni VP Sara at ng kanyang asawang si Atty. Manases Carpio na nakasaad sa SALN ng bise presidente ay ang mga property na tinutukoy ng prosekusyon na umano'y hindi naideklara. Dagdag pa ni Panelo, naipaliwanag din umano ni Davao City Accountant Vingelin Bajan na hindi double compensation ang sahod na natanggap ni VP Sara noong 2023, kundi salary differential para sa 2020 at 2021 noong alkalde pa ito ng Davao City. | via Jojo Sicat, Abante News

Abante News
Abante News
Open In TikTok:
Region: PH
Tuesday 10 November 2026 16:29:13 GMT
6453
157
13
0

Music

Download

Comments

alfred_uy123
Alfred Ty :
pano na si robin? 🤣🤣🤣🤣🤣🤣
2026-11-11 00:11:48
1
mickmick0504
Malihao :
Senator Judge Allan Peter Cayetano
2026-11-11 01:14:52
0
user5526858105856
tina :
Tama ka po sir masyado na Yung mga judges
2026-11-11 12:09:54
1
owaaa035
OWAAA :
dami nyong pasaring tamang pa delay lang kayo eh
2026-11-10 16:58:25
1
user437858071
danilo :
Galing ng abogado ito,
2026-11-11 14:35:58
0
bigwisnidukyo
BONGSKI :
Out of this world na mga tanong ng mga judge trip to China
2026-11-10 22:39:43
0
ihategab7
IHateGAB :
ouchh
2026-11-10 16:48:19
0
jhanzdimple
jhanzdimple✅ :
Ang Panay tanung na MGA senador ey Yung MGA di abogado🤣🤣😂😂😂 kaya nga nagtaka Ako di ngtatanung Ang MGA Cayetano Kasi Alam Nila Ang batas
2026-11-11 01:41:05
0
pab_l0ooo
ᴾᵃᵇˡᵒ :
what what what HAHAHAHAHA dismayado sa senator judge kasi binubusisi yung witness
2026-11-11 01:08:03
0
jervishimpisao0
JKap :
sabihin mo yan kay Senator robin yun pagiging irrelevant tapos kahit ano pang laki o liit ng hindi mapaliwanag kung saan ginastos dapat lang PANAGUTIN!
2026-11-10 21:45:31
0
kamatayan6666666
BOBO MO!!! :
Dameng sinasabi ni jr. Bakit nga ayaw mag witness ni lustay e sya ang dahilan kaya may impeachment.
2026-11-11 01:38:56
0
janine_0319
jANiNe 👊💚💚💚🇫🇮💙🏳️‍🌈❤️ :
😂😂😂😂😂👊👊👊👊💚💚💚💚
2026-11-10 16:51:36
0
To see more videos from user @abantenews, please go to the Tikwm homepage.

Other Videos


About