@noellanderosarifa: DEFENSE WINS: Dalawang importanteng isyu ang hinarap ng defense kahapon, at parehong may malinaw na sagot. Sa property issue, walang naipakitang ebidensya ang prosecution na ang ₱6 million property at ang property na nakalista sa SALN ay dalawang magkaibang property. Sa halip, nagpatunay ang Davao City Assessor na iisang property ang tinutukoy, kahit may pagkakaiba sa description at valuation. Sa ₱64,000 salary differential naman, malinaw na hindi ito bagong kita bilang Vice President. Ito ay salary differential para sa serbisyo ni Sara Duterte bilang Davao City Mayor noong 2020 at 2021, na na-release lamang noong 2023 matapos makumpleto ang processing.