@tvpatrol: Ibinida ng Rafa Nadal Academy ang pambihirang pag-angat ng karera ni Alex Eala na sinimulan ang 2026 season sa ranggong 53 at ngayon ay opisyal nang world number 15. Sabi ng kanyang coach na si Joan Bosch, maraming magandang katangian ang Pinay tennis star kaya siya nagtatagumpay. Sobrang hanga rin sa tennis level ni Eala si Clare Wood, ang tournament director ng Hong Kong Open na minsa'y naging world no. 77 at dating nangungunang British tennis player sa mundo. Sa ngayon, family and chill time muna si Eala bago kumayod sa mga bagong tournament sa New Zealand at Australia sa Enero 2027. #alexeala #worldno15 #wta #tennis #tvpatrol