@rnnationwide: Kinumpirma ng ikatlong testigo ng defense panel na nakatanggap si Vice President Sara Duterte ng mahigit ₱64,000 na salary differential mula sa Davao City government noong 2023. Ang halaga ay nagmula umano sa retroactive salary adjustment sa ilalim ng ikaapat na tranche ng Salary Standardization Law. Sa ika-41 araw ng impeachment trial, ipinaliwanag ni Davao City Accountant Vingelin Bajan na January 2023 lamang nakumpleto ang mga dokumentong kailangan para sa pagbabayad. Samantala, kinuwestiyon ni Senator-judge Raffy Tulfo ang pagtanggap ni Duterte ng naturang halaga habang nanunungkulan na bilang bise presidente. #RadyoNatinNews #SaraDuterte #ImpeachmentTrial #RaffyTulfo #VPontrial #fypシ #fyyppppppppppppppppppppppシ