@abantenews: Dalawang pedestrian ang muntik nang masagasaan ng isang kotse na nawalan ng kontrol, tumilapon at sumalpok sa bakod habang naglalakad sila sa gilid ng kalsada sa Barangay Bagong Kalsada, Calamba City, bandang alas-3:00 ng hapon nitong Miyerkoles. Sa kuha ng #CCTV, makikitang naglalakad ang isang babae at lalaki sa isang makitid na alley nang biglang sumadsad sa bangketa ang paparating na kotse at dumiretso sa kanilang direksyon. Ayon sa mga nakasaksi, mabilis ang takbo ng sasakyan na galing sa direksyon ng Los Baños, nang tumama ito sa gutter sa kurbadang bahagi ng kalsada dahilan para tumilapon ito, lumusot sa wire fence at tuluyang sumalpok sa bakod na yero. Bahagyang nakaiwas ang babaeng pedestrian na halos isang metro na lamang ang layo sa rumagasang sasakyan. Agad namang rumesponde ang mga nakasaksi at tumulong sa apat na sakay ng kotse na nagtamo ng bahagyang pinsala at isinugod sa pagamutan. Paalala ng mga awtoridad sa mga motorista na panatilihin ang ligtas na bilis at tiyaking nasa maayos na kondisyon ang sasakyan upang maiwasan ang ganitong aksidente. | via Ylou Dagos, Abante News
Abante News
Region: PH
Thursday 12 November 2026 03:31:20 GMT
Music
Download
Comments
boss Lee :
Jesus save the man
2026-11-12 09:35:43
10
💜 ~~★♡~~IVY~♡~★~~💜 :
Calamba po yan sa Laguna
2026-11-12 16:00:44
0
Antonio Quilicot :
kahit papano,may flying car na sa pinas?
2026-11-12 08:04:59
6
𝓳𝓮𝓷𝓷 ♫ :
bawal magpark dyan
2026-11-12 06:03:21
0
𝙢𝙖𝙧𝙪▪ :
Buti naka layo na si ate sa pag babanggaan ng kotse grabe pag ako yan grabe iyak ko nyan sa trauma,😢
2026-11-16 11:01:12
0
Jacob :
nawlaan ng control o nakatulog ?
2026-11-12 13:11:47
0
Affiliate Finds PH :
grabee muntikan na
2026-11-12 11:33:39
0
I'm yours 😘😍 :
grabi🥺
2026-11-12 04:07:57
0
Nyxal15 :
Duterte Legacy
2026-11-12 04:43:12
3
:
perst
2026-11-12 03:42:28
0
Mr. Suplado, RN 🩺 :
2026-11-12 03:45:24
1
ethandrifted :
pogi nmn ni kua ambo ehh
2026-11-12 23:17:44
0
𝖙𝖍𝖊1𝖏𝖆𝖛𝖎𝖊𝖗❄ :
"sir,sir,bawal mag park dyan ah"
2026-11-12 09:50:44
0
Milky:way :
bat kailngan pa ng car kung may kabayo naman
2026-11-12 08:22:41
0
Froilansport03 :
SUA
2026-11-12 06:23:57
0
𝐿𝒾𝑔𝒶𝓎𝒶 ♡︎ :
@harmonia @JV @🍵
2026-11-12 16:20:19
0
alexa :
🥰🥰🥰
2026-11-13 21:57:48
0
To see more videos from user @abantenews, please go to the Tikwm
homepage.