@imjohnasuelo: “KAHOL KASI KAYO NANG KAHOL” Hindi napigilan ni Senator-Judge Robin Padilla na banatan ang prosekusyon matapos nitong kwestiyunin ang umano'y marangyang pamumuhay nina Vice President Sara Duterte at Atty. Mans Carpio. Ipinunto ni Padilla na bago punahin ang pamumuhay ng iba, nararapat ding suriin muna ang sariling hanay, partikular ang kapwa mambabatas na mayroon ding mamahaling sasakyan gaya ng Mercedes-Benz. Binigyang-diin niya ang kasabihang, “Tingnan muna natin ang mga kasama natin bago tayo kumahol.” Sa gitna ng usapin tungkol sa pagiging simple at marangyang pamumuhay ng mga opisyal ng gobyerno, isang tanong ang kanyang ibinato: Dapat bang pare-pareho ang pamantayan sa lahat, o may pinipiling punahin? #RobinPadilla #SaraDuterte #ImpeachmentTrial #PublicAccountability