@ms_diputa4: Isang 40-anyos na Filipina ang nasagip sa Bahawalpur, Pakistan, matapos umanong makaranas ng pisikal na pananakit mula sa kanyang 23-anyos na asawang si Sikandar at biyenang si Sabir. Ayon sa ulat, nakatakas ang babae at humingi ng tulong sa kapitbahay na agad nagpaabot ng impormasyon sa pulisya. Naaresto ang biyenan habang tumakas naman ang asawa at patuloy na hinahanap ng mga awtoridad. Matapos iharap sa korte, inilipat ang Filipina sa Dar-ul-Aman, isang shelter home para sa proteksiyon ng mga kababaihang nakararanas ng pang-aabuso. Ayon sa human rights advocate na si Advocate Zain Ul Abideen, nais ng Filipina na makabalik sa Pilipinas. #ofwheartofasia #ofwheartofficial #ofwcares