@laiichiee_: 𝗽𝗮𝗴𝗹𝗶𝘀𝗮𝗻 patawad kung natutuhan ko nang gawing kanlungan ang katahimikan, at sa bawat ingay ng mundo, sarili ko lamang ang aking pinakikinggan. patawad kung sa tuwing may nais akong sabihin, pinipili kong lunukin ang mga salitang dapat sanang sa iyo ko ibahagi at aminin. kung minsan, ako'y bigla na lamang nawawala, hindi dahil ayaw kitang kasama, kundi dahil hindi ko alam kung paano mananatili kapag ang puso ko'y nagsisimula nang magtiwala. kabisado ko ang pagkawala, ang tahimik na pag-alis, ang pag-iwan ng mga salitang hindi na kailangang sabihin o ipaliwanag pa nang higit. ngunit ang manatili— iyon ang hindi pa sa akin aktibo. ang humawak nang walang pangamba, ang magtiwala nang hindi naghihinala. patawad kung sa halip na magsabi, pinili kong manahimik muli. kung sa halip na lumapit, pinili kong magkubli. sa halip na hawakan ang kamay mong nakaabang sa aking tabi, pinili kong bitawan ito nang walang pag-aatubili. at kung sakali mang muli akong manahimik, sana'y huwag mong isipin na wala akong pakialam sa iyo. minsan, ang katahimikan ko ay hindi kawalan ng damdamin— kundi isang pusong hindi pa rin alam kung paano manatili. #fyp #foryou #poetry #tula #poem
lihim na tinta ni louise
Region: PH
Saturday 14 November 2026 03:30:46 GMT
Music
Download
Comments
lihim na tinta ni louise :
sino kaya 'tong nang-iwan pero siya rin 'tong hindi makausad?
2026-11-14 03:56:30
1104
meow :
before, i was really used to leaving people for their sake talaga. like yung tipong aalis ako not because i no longer love that person, but because I've caused to much pain to that person that it makes me want to leave them so they could no longer get hurt. nag a apologize talaga ako na "I'm sorry for having my presence hurt you". but now, I don't. i no longer seek the thoughts of leaving someone behind again, because this new person i have right now, he makes me think about the fact that i don't need to be afraid of anything, i dont need to be afraid of risking it all to someone, because he doesn't allow me to get use to things that he couldn't promise he could keep up. he's more afraid of hurting my feelings than having his get hurt. like he get the thought of saying na "wag mo'ko iiwan baby ha" "wag ka po tampo sa'kin please" instead of letting me guess things, he tells me directly. he made me FEEL love first before actually saying the words "i love you". that's my why.🥹
2026-11-14 09:21:41
92
04R :
what hurts more is when you like that person sm and you want to give him everything he deserves but then u realized you still haven't reached your best version so you sabotaged yourself into being the bad person
2026-11-14 14:38:03
37
nero :
hindi naman siguro kasalanan ang paglisan, kung alam mo sa sarili mo na wala na itong maayos na hahantungan. i used to think i should stay, but then again, they knew what they were doing—they chose to hurt me :)
2026-11-14 11:43:34
174
gillian :
i used to be the person who stay. the person who will bear the pain, shame, and mistreatment just to keep the people i treasure. but as time passes by, i wonder... does this people i treasure values me the same way i do to them? until i the love i had for them drained my bottle and i have to fill it up again, not for them, but for myself. i prefer to leave with a bottle of love i have for my own, than to leave my bottle empty after giving them my all :)
2026-11-14 10:18:32
10
neB🥀 :
So nakita ko mga comments ng iba, and I realized na hindi naman siguro masama ang lumayo kung paulit-ulit ka namang nasasaktan. Some people choose to leave not because they don't care anymore, but because they've been trying to stay for so long kahit sila na mismo yung nauubos. Minsan, hindi naman nila gustong umalis, pero yung mga taong dapat nagpaparamdam sa kanila na safe silang manatili, sila pa yung nagbibigay ng dahilan para lumayo🙂🙂:)
Tama ba ako?
2026-11-14 13:05:40
54
iri💤 :
planned on sleeping after one reel but i guess imma cry instead
2026-11-14 13:19:47
4
ᥲɪrɪsʜ ssɪ𐙚 :
The list of power in choose:)
2026-11-14 15:14:25
1
Mr. Big :
Please, donttt
2026-11-14 17:24:09
1
ishaaa^^ :
dapat sa fyp niya to, hindi sakin. hindi naman ako yung nang iwan e☹️
2026-11-14 09:10:18
13
; :
kay gandang sulat, Louise.
tagos sa puso 🫠
2026-11-14 08:55:56
11
Kate :
Akala ko kaya kong manatili, hindi ko pala kaya. Dahil sa bawat araw na gusto ko, may pumipigil sa aking puso, na baka saktan lang ulit ako ng mga taong naka palibot sa akin. Hindi man physical kundi mentalidad. Mahal ko kayong lahat, ngunit nakakapagod manatili at mag panggap na ayos lang ang lahat.
2026-11-14 12:10:06
8
ikea :
siguro, isa lamang talaga akong dayo—sa bawat buhay ng mga taong tunay na nais kong makapiling sa walang hanggan. wala sa'kin ang tapang ng pananatili. ni tapang na huwag humindi. siguro nga't isa lamang akong pansamantala. isang aral sa bawat buhay, at pahinang madaling isara. ngunit kahit ganon, nais ko parin magmarka; hindi dahil sa sakit, kundi dahil sa tuwa at ligaya. sana sa bawat buhay na kinanlunan ko'y may natutuhan sila. - estranghero
2026-11-14 18:03:17
2
🚬 :
ayoko louise ayoko
2026-11-14 05:37:29
11
zᶻ :
saan ka po nag e-edit ng pics? mas nakakadagdag ng pagka-poetic po kasi! 🥹
2026-11-14 11:38:48
6
a ⎕ :
grabe ka na louise ha
2026-11-14 07:23:57
4
nowmawmesmrs :
hays
2026-11-14 16:25:30
1
Xiann :
2026-11-14 19:15:43
2
Cedrick :
2026-11-14 20:54:19
1
CHiN° :
2026-11-14 18:39:13
1
🎐 :
GRABE, PARANG IKAKAMATAY KO TONG POST NA TOH
2026-11-14 13:21:16
3
lily :
the avoidant is avoidatinggg
2026-11-14 16:49:23
2
rafaella :
at dahil jan nag follow ako
2026-11-14 14:06:01
2
wezz^^ :
same name
2026-11-14 13:28:08
2
wopi :
ayoko sa mga ganito Louise ha
2026-11-14 07:05:57
1
To see more videos from user @laiichiee_, please go to the Tikwm
homepage.