@fritzz_cel: Hindi na masama ang pag-unlad, pero biruin mo ilang malalakas na bagyo na ang sinangga ng sierra madre pero bakit nila ito sinisira? Ngayon para maisakatuparan ang lintek na pax silica na yan ay may mga magsasaka na maaagrabyado. Na aalisan ng lupanag sakahan, ng tirahan at kabuhayan. Ngayon para sa Asean Summit na yan, magtitigil pasada? Para saan? Para walang traffic? Para magmukang malinis sa EDSA at iba pang daanan? Tinakpan ang ang maruming ilog para maipakita na maganda ang Pilipinas, kahit hindi. Na perpekto at maayos ang gobyerno kahit sa totoo ay para ng impyerno. Magpakitang tao para sa mga dayuhan na pansariling interes lamang ang hangad. Ngyon balde para mag-imbak ng tubig na gagamitin para sa darating na super el niño. Pagnanakaw ng kaban ng bayan, na sa halip marami ang matulungan ay kayo lang ang nakikinabang. Mababa ang presyo ng sardinas sa pasko kesyo para mabili ng mahihirap na gaya namin samantalang hamon at lechon ang nasa hapag nyo. 22 pesos per meal, e pamasahe ko lang yan sa bus papasok ng paaralan. Wala pa ang gastos sa projects, pagkain sa lunch na 55 pesos, student meal na hindi pa ganon kadami. Napakaraming hinanakit ang nais pa naming sabihin na sa social media na lang namin maisasaboses dahil maging ang pagsasaboses ng aming mga hinaing ay ipinagbabawal. Ilang tao pa ba ang magdurusa. Ilang taon pa ba itong pagdurusa. #labanpilipinas #notopaxsilica #getthepaxout #gisingpilipinas #foryoupagе credits to the rightful owner
J
Region: PH
Saturday 14 November 2026 03:32:35 GMT
Music
Download
Comments
J :
credit to the rightful owner!!
2026-11-14 03:33:31
0
To see more videos from user @fritzz_cel, please go to the Tikwm
homepage.